G-SPAT
Grace Bandoy
Ngayon eh alam na po nating lahat kung paano sugpuin ang illegal game na Jueteng sa ating mga lugar – ibulgar ang mga operators neto!? Hehehe. Nakakapagtaka po yata na biglang nag a-appear and disappear like a bubble ang jueteng.
As in gone, well, at least for the meantime. Parang yung poker dens lang po yan, nabulabog ang mga lolo, kaya siyempre tago tago muna sila di ba. Jueteng, the same thing happened, nabulabog ang mga super lolo na operators niyan, so of course they have to stroll, stroll muna for a while.
Like I said in my past columns, I believe legalizing the pasugalans and Jueteng or STL, and putting up casinos here are not such bad ideas. The benefits of these compared to the alleged moral implications it may bring eh mas marami po.
Pagsusugal is self-control. It is an individual thing. Depende sa taong gumagawa. Kahit sa casino ka nagtratrabaho kung hindi mo hilig ang magsugal eh hindi ka magsusugal, ganun lang po yan. Ang disiplina sa sarili eh nasa tao.
And for those na nagsusugal nga at inuubos ang pera nila dun – well, kasalanan nila yun. Matatanda na sila at pinili nilang gawin yun. Walang nag-utos sa kanilang magsugal. And what do we care anyway, pera naman nila ang inuubos nila noh. Eh di bayaan mo silang mamulubi. At least nag i-income ang gobyerno sa pagsusugal nila at nabibigyan nila ng trabaho ang maraming tao (casino employees)!
And let’s not forget the charity works the PCSO has done throughout the years. I mean, c’mon! Huwag na tayong mag sa-santo santito at santita diyan! Magsalita ang mga walang ginawang ksasalanan sa mundo!! Sige nga!
Let’s all be realistic about gambling. Mahirap lang ang bansa natin kaya isipin natin ang makakatulong sa mas nakakarami. Ang mga kabataan eh walang hilig sa pagsusugal because they don’t have the money para isugal.
Ang mga youth would rather buy techno stuff na puwede nilang ipasikat sa mga friends nila. And they would rather bumili ng GSM Blue diyan at makipag-inuman with their barkadas. Magsugal man mga yan eh mga tig-pisong tong-its lang ang afford nila and they do it with their friends.
***
What we should be really concerned with our youth ay ang pag-iinom at pakikipag gang wars nila. Marami pong namamatay na kabataan dahil diyan. Yan ang tutukan natin, kung paano sila ilayo sa pag-inom at pagiging violent.
Bawal ang minors sa mga pasugalan. Kahit saang pasugalan ka pumunta eh wala kang makikitang bata promise. The jobs it will create.
Mga may pera lang ang nagsusugal, karamihan eh mga mayayaman. Hayaan natin sila ubusin pera nila diyan noh. Ibig ba sabihin pag nagsusugal ka, immoral ka na? Masama kang tao? Anak ka ng demonyo? Wala ka ng karapatan mabuhay sa mundo? Hindi ka na puwedeng maging mabuting tao?
Pines Hotel and Hyatt Hotel dito sa Baguio eh may casino noon, mas mababa ba ang morality ng siyudad natin noon? Were we lesser of a city and Baguio citizens then? Walang pinagkaiba sa Lotto or bingo na sugal din. They will pay taxes to the government. No more bag monies na nagpapayaman sa mangilan ngilan diyan. We can easily monitor them because alam natin kung nasaan sila. We can penalize them for violations.
***
If we legalize them eh wala na po tayong mga problemang ganitong pinagtatalunan. We can focus on the other worse problems in the city like kung paano disiplinahin ang ating kabataan, ang squatters natin who are increasing by the gazillions everyday, ang pagsugpo sa mga krimen, etc.
Ang morality is a personal thing. Hindi mo puwedeng diktahan ang 94 million na tao kung ano sa kanila ang mabuti at masama. Matatalino ang mga Pilipino, we know when a thing is good or bad for us, and whatever decisions we make in our lives were borne out of our own freewill. Ang problema ng isang tao eh problema niya.
You can tell all the people of Baguio that gambling is bad for the city. Pero lokohin mo lelang mo, bababa lang mga yan sa La Union at payayamanin ang Thunderbird Casino noh. And ayun sila nakapila sa pagtaya ng lotto. And yung iba eh nandun at nakababad sa mga binggohan diyan sa malls! Sinong niloloko niyong masama ang sugal dito?
The Ortegas and La Union are progressing like crazy because of the casino there, we might as well be like them. And ibig sabihin ba niyan eh mas closer to God ang Baguio kesa mga taga La Union coz wala tayong casino dito? Sagutin niyo nga yan!
***
Ang mga traffic lights na matatagpuan po sa major thoroughfares of the central business district ay hindi po nakakatulong to control the traffic conditions of the city, in fact, its even making things worse.
Mukhang ignoramous pa ho yata ang mga taga-Baguio sa pag-follow ng traffic lights na ito, drivers and pedestrians alike. People seem not to get what the red, green and orange lights stand for.
Nakaka high-blood po tumawid ng kalsada when you’re trying to obey the traffic rules, pero ang mga sasakyan naman eh hindi sumusunod. And pag nakasakay ka naman at sumusunod ang sinasakyan mo sa rules, ang mga pedestrians na pasaway naman ang gusto mong pagsasakalin sa inis.
Ano ba mga people of Baguio!! Ang green light po is Go! Red is Stop! At ang orange po para sa mga bobong drivers out there means you have to slow down at tumigil at tatawid na kaming pedestrians any second.
Na experience ko na po a gazillion times ang sumunod sa crossing lights (tingnan ang pedestrian light sa tatawirang side, Green – tumawid ka na, Red – huwag tumawid!), pero hindi ka po makatawid because of these mga ulol na drivers ng sasakyan na ayaw tumigil at patawirin ang pedestrians!
Plus, may mga gagong drivers rin na titigil sa pedestrian lane mismo and how else can one cross the street kung nakabara ang mga sasakyan niyo sa pedestrian lane?
May mga instances naman po na ikaw ang nakasakay eh mga pedestrians namang stupid ang ma e-encounter mo. Mga tawid na lang ng tawid sa crossing at kung saan saan pa when its not their time to cross the street. They are unaware of the pedestrian lights na dapat sundin!
There should be a massive, I mean humongous, information drive to make everyone aware of these traffic rules and regulations. And those who don’t obey, whether aware sila or hindi, should be penalized! Para matuto ang mga pasaway sa mundo!
Additional income pa yan for the city of Baguio di ba people? Para magkaroon naman ng silbi ang mga pinagkagastusang millions of pesos na traffic lights na yan! Kung ganyan din lang na hindi sinusunod ang pedestrian lights na yan eh sunugin na lang mga yan!
No comments:
Post a Comment