Tuesday, October 12, 2010

Raid on poker dens a cover-up for jueteng?

G-SPAT
Grace Bandoy

BAGUIO CITY -- The operation of jueteng in this city has been as open as the 24-hour doors of 7-11, and kahit bulgaran po ang operation nito eh super on-going pa rin ang kanilang activities.

I believe ka-plastikan lang po ang ginagawa ng local government natin and mga police sa pag-iimbestiga nila ng poker dens in the city.

Jueteng is illegal from every inch of the legal book there is and yet, kahit in-your-face na nagtataya at nangongobra ng jueteng ang jueteng people sa mga public places ay hindi nila ito ma-imbestiga, matinag or ma-warningan man lang.

And eto at sumusugod ang kapulisan natin para ipasara ang poker dens in the city?

Gambling is not a crime, illegal gambling is. Playing poker with money involved eh hindi pa ho malinaw sa ating batas kung ito nga po ay illegal. Jueteng on the on the other hand is definitely illegal.

Hindi po kaya inilabas ang issue ng poker dens para ma cover-up ang mas mainit, Illegal at mas malalang gambling game na Jueteng?!

National and very hot issue po sa ating bansa today ang tungkol sa Jueteng but our local government chose na patulan ang poker dens dito sa Baguio?! What the f*ck?!

It seems that pag-divert lang po yata ang poker dens ng spotlight para medyo malingat po tayo sa Jueteng at maiwasan lumabas ang issue on the alleged na pagtanggap ng ating local government officials ng Jueteng payola?

Si mayor daw po ang operator plus sampu ng kanyang councilors ay allegedly receiving jueteng money?

Dalawang female councilors lang daw po ang allegedly ay may prinsipyong matigas and chose to keep their hands clean from receiving jueteng money.

I certainly admire them kung may katotohanan po eto...

Isang alipin daw po at isang bilugin-faced ang receivers ng jueteng payola and then distributed to the other members of the Dirty Ten (councilors that is).

Kung magkano po ang alleged share ng ating mga officials from the illegal but very openly operated game of jueteng in the city ay i-imagine na lang po natin.

Pero malaki po siguro kasi very brave naman po silang allegedly tanggapin ito at i-enjoy sa pag gastos di ba? And they’re willing to sacrifice their promises to the people of good governance?

Well, sorry na lang po siguro sa ating pokerfaces in the city at sila ang ginawang sacrificial lambs para ma-bilog po ang heads ng people of Baguio, at makalimutan sandali ang issue sa jueteng na siyang dapat pagbalingan ng attention ng ating authorities.

And maaari rin na kunwaring binulabog ang poker dens sa Baguio para makahingi rin ang ating mga officials and pulises ng poker payola? My God wag naman po sana! Sobra-sobrang dirty money ang kanilang maiipon kung sakali.

Kung ako lang po eh mas mabuti na nga sigurong gawing legal na lang ang mga yan para ma-require po ang mga operators na ito to pay their taxes and secure permits. Sa ganitong paraan po eh the people of Baguio ang makikinabang.

Mahirap i-debate ang magiging moral implications nito coz sa paningin ko lang po eh nasa sa mga taong nagsusugal na po ang choices kung hanggang saan nila paaabutin ang kanilang gambling habits.

Kumbaga eh nasa personal self-control na ng isang individual ang pagsu-sugal or pag-commit ng kahit anong kasalanan or immorality for that matter.

Hindi naman po ibig sabihin na pag may pasugalan sa harap ng bahay mo eh required kang pumunta dun at magsugal di po ba?

Wala pong pinagka-iba ang mga sugalang yan sa mga left and right na inuman ng alak, gay bars at girlie bars na nagkalat sa city natin. Pugad din po ang mga ito ng immoralidad at bad influences sa ating mga kabataan.

Kaya magpakatotoo na lang po siguro tayong lahat at isipin ang makakabuti sa majority ng citizens ng Baguio. Hindi rin po malaking kawalan sa ating mga majority ng population ang legalization of those money-making gambling businesses coz ang mga taong may pera lang naman po ang pumupunta sa mga pasugalan na ito.

Ang karamihan po sa atin ay wala naman pong hilig sa gambling at walang pera kaya hindi po tayo apektado sakaling ma-legalize man ang gambling activities na ito, we will even benefit from the taxes they will be paying.

Isipin na lang po siguro natin ang makakabuti sa marami at hindi ang kabutihan ng ilang mga tao lang (ang mga tumatanggap ng Jueteng money), since ang sugal ay hindi na po yata natin masusugpo even if we die trying.
***
Katatapos lang po lumabas sa ating city ang malaking issue on poker den operations. These poker dens have been hunted down by the police and are now closed down, at least for the meantime, because I’m pretty sure nagbabakasyon lang po ang mga alleged illegal gambling operators na yan.

Kumbaga eh, rest muna ang pag po-pokerface at pasyal pasyal muna. And I’m betting ang vacation ng alleged illegal gambling operation na yan ay ilang days lang, andiyan na naman po sila mamaya lang konte ng hindi natin namamalayan, despite announcements from the police that they will be monitoring these poker dens.

Hindi raw po good para sa Baguio ang mga pasugalang ito ayon sa isang councilor na ito. Pero si anti-gambling councilor po na ito is mahjong addict daw pala in real life.

Hindi po kaya nagmamalinis lang ang bilugin-faced councilor na ito?! He could be the epitome of the saying on pointing the finger while the other fingers are pointing at you.

This councilor na allegedly eh kunwaring galit sa gambling ay expert daw pala sa Mahjong at mahilig mag-attend ng Mahjong sessions sa mga Mahjongan dens throughout the city?!

But well, baka naman po kasi hindi considered na illegal gambling ang pag ma-mahjong sa ating batas kaya okay lang po kay bilugin-faced councilor ang i-condemn ang ibang pasugalans while he engages in his mahjong habits.

How many thousands naman po kaya ang inuubos ni councilor sa allegedly ay pag a-attend niya ng Mahjong sessions niya?! Baka barya lang naman po mga friends kaya para sa kanya ay hindi gambling ang alleged hobby niyang ito.

Well, whatever, basta ang importante po eh hindi ni councilor ang ulo ng mga taga-Baguio. And maybe our laws should just require these gambling operators to pay the necessary taxes for those ‘business’ of theirs, magbayad sila ng BIR tax nila and secure the necessary business permits.

At siya pang income ng city di ba, tutal eh hindi naman po natin sila puwedeng ipa-kulong forever coz barya lang naman po sa kanila ang bail nila (P12,000) pag sila’y hinuhuli.

No comments:

Post a Comment