Grace Bandoy
BAGUIO CITY — Our lolo congressman of Baguio released his report for his 100 days in office, ala-Noynoy sans the Gloria bashing. Well, kagaya po ng madlang people, eh masyado pa hong too early para makapag-comment po tayo if your lolo did good or not sa 100 days niyang nakaupo sa trono.
Nakapag-file na daw po si lolo V ng mga bills sa Congress at nag co-author siya sa mga iba pa. Okay naman po ang mga na-file ng lolo niyo at makakatulong din po naman sa marami, maliban po sa iba na medyo sa kin po eh mukhang may personal gains ang ilan?
And ibinida po ni lolo V ang malapit nang ma-release na budgets ng kanyang mga proposed projects. Of course let’s not be shocked kung ilang millions or billions na naman po ang mga ito. Sanay na po tayo sa mga milyones ni lolo V and lolo Domogan di po ba?! Milyong projects po ang sinasabi ko ha!
Hindi po milyong napupunta sa laman ng bulsa nila? Hindi na po yata matitinag ang super friendship at Mighty Bond nilang dalawa my God, kakainggit!!! Mahirap makahanap ng ganyang klaseng partner who will stick with you through thick and thin, for better or for worse, through heaven or hell…nothing can tear them apart grabe! Hindi naman po kaya nagseselos ang kanilang respective wives sa super closeness ni V and D?
I think not, unless magkatabi pa silang natutulog sa gabi ha? They’re like Siamese twins na magkadikit sa puwet!! Always there for each other. The partnership is admirable.
Balik po tayo sa umaabot halos billion-peso budget ni lolo V, ang kaperahan pong yan ay budgeted (in terms of pesos) for the following:
- 140 million to complete the Baguio – BLIST circumferential road, 50 million para po ayusin ang City Camp lagoon at ng hindi na daw po magbaha doon, 150 million for Athletic Bowl development, 40 million for upgrading, beautification and lighting of Burnham Park and some million for construction of a Flyover at the Naguilian – Bokawkan Junction, upgrading of national roads and highways.
More: 7 million college scholarships for 1000 poor but deserving students, 2 million for livelihood assistance to indigent families and Senior citizens and some million medical assistance to poor patients, equipments and supplies for the Baguio General Hospital.
Nakakalula po ang budget ni lolo di ba?! The budget of those projects will come from the national and his PDAF kabans daw po.
Alam po natin na ang mga projects projects po na ganito ang ugat ng almost all of the corruption among politicians and everybody involved in these projects sa bansa natin. And in almost all of business transactions, nandiyan po lagi ang komisyon. Commissions make the business industry.
Dagdagan pa yan ng ibang hocus focus, ayun at 30% percent na lang ng budget ang naiwang magagastos sa project na yan. Kaya po mayayaman ang halos lahat ng contractors, politicos, mga nag approve-approve at nag refer-refer diyan because of the common na ganitong klaseng pangangalakal sa bansa natin.
Kaya dapat pong bantayan ng public ang mga transactions that involve public money. Dahil pera po natin ang ginagastos at binubulsa sa mga ganitong transactions. Kung ako lang po eh, tama na po siguro ang pag-develop sa Baguio. We should be focusing more on preserving the natural beauty that’s left in this city. Sementado na po lahat, mag-iwan naman ng lupa diyan na tutubuan ng puno!
Kung sabagay, pag-papaganda nga daw po ng Baguio ang purpose ni lolo para maibalik na top tourism destination ang ating city.
Pero hindi po kaya lalong mabuwisit ang tourists na pupunta dito kung puro flyover at kalsada ang makita nila? Dapat taniman na lang ng puno ang every available piece of land na naiwan sa Baguio! Di pa tayo gagastos di ba? Malinis pa ang hangin! Imbes pa na iskwatan ng mga gago diyan!
Ang 100 days ni lolo? – No comment. Ang projects ni lolo? Infrastructures – I hate. Pro-poor – good. Beautification – tingnan ko muna kung maganda nga.
Ang budget ni lolo – malaki. Sana nga mapunta sa totoong purpose. Bantayan natin! Peace!

No comments:
Post a Comment