Tuesday, January 18, 2011

P40 taxi rate /Biking at CBD

G-SPAT
Grace Bandoy

BAGUIO CITY -- Sira ulo na lang po siguro ang sasakay ng taxi pag na-approve ang P40 na flag down rate which the taxi groups are desperately asking for from the Department of Trade and Comunications. Yung mga matters of life or death na lang most probably ang mangingiming sumakay ng taxi pag na-approve ang request na eto ng mga taxi groups dito sa city natin.

Nakakapangilabot po eto di ba?! Kung hindi ka naman mahimatay at mapa tumbling di po ba people? My God hindi ka pa nakapasok sa taxi eh 40 pesos na tumataginting na ang babayaran mo? Uray awan ag lug-lugan ti taxi!

I have no idea why they are requesting that flag down amount here, na-approve na po kasi sa Manila ang P40 flag down rate sa mga taxi and anytime soon will be implemented there. Kung hindi ba naman gago etong mga taga-Baguio at hinihingi nila ang same amount na flag down rate? Hindi ba iba talaga ang mga increases na binibigay sa Manila compared sa ibang lugar sa country natin?!

Malayo pong mas mataas ang minimum wage ng mga tao dun noh! And their standard of living for that matter. In short, mas maraming pera ang mga working people there ikumpara sa Baguio where the minimum wage is lower from that in Manila. Tapos pareho lang ang flag down rate ng taxi natin? My God common sense lang po!

Isaksak nila sa mga baga nila ang mga hinayupak na mga taxing yan pag inapprove eto dito sa Baguio!

Ang mga hindi mabilang na mga taxing yan (na pinarami po ng pinarami ni honourable Mondiguing nung kapanahunan niya) idagdag niyo pa ang mga balahurang jeeps ng Aurora Hill at Trancoville ang major contributors din lang po ng pollution and traffic dito sa Baguio noh!

Dapat eh i-exterminate ang kalahati ng mga bilang ng mga yan para luminis ang hangin and lumuwang ang mga kalsada natin! Yan lang po ang tanging solution sa worsening air pollution and traffic sa major streets natin, magkamatayan na tayo di ba?!

By now naman po siguro na-realize na natin kung gaano po kaliit ang Baguio para pagsiksikan nating lahat, and our population here is increasing by the minute. Hindi na po mababawasan ang bilang natin dito but parami po tayo ng parami, naturalmente whether we like it or not, dadami din ang mga bahay, businesses, buildings, jeeps, taxis and mga private na sasakyan.

Actually, hindi na po kayang i-contain ng Baguio ang dami natin and ng mga sasakyan. Kung makakapagsalita lang po ang mother land natin na eto eh she will tell us that she can’t take it anymore, sasabihin niyang humanap kayo ng ibang lupang matitirhan niyo noh! Sobra sobra na kayo di ko na kayo kaya!

Dapat po kasi nating problemahin ang pagiging marumi ng hangin natin dito caused by overpopulation in our city. Susunod na po kasi ang lung cancer na major cause of deaths among Filipinos, kaya kelangan po nating pangalagaan ang hangin natin dito.

And how the hell do we address this problem sa city natin?! Meron ba namang ginagawa para i-solve ito?! And kino consider bang problema ito dito sa Baguio in the first place?

Alam inyo po kasi eh pag hindi po pagkakaitaan ng pera eh hindi po talaga pinapansin ng mga binoto ninyong politicians dito sa Baguio. Ano nga ba naman ang mapapala nila sa paglinis ng hangin natin at pag-eradicate ng traffic di ba? Kay karamihan pos a kanila eh hindi po talaga pinapansin ang dilemma nating ito every day of our lives.

Well, kung common sense lang po ang ating gagamitin, yung kaisipan lang po ng mga kagaya nating mga simpleng mamamayan lang po ng Baguio, yung kahit Grade 1 po eh maintindihan niya. Dapat nap o tayong bumalik sa panahon ni kopong-kopong kung san ang mga tao po eh naglalakad at nagbibisikleta na lang kahit sa central business district po natin.

Hindi naman po ibig sabihin eh lalakarin mula city hanggang sa mga barangay kung saan tayo nakatira noh. Kaya nga po inimbento ang mga sasakyan para maging convenient po ang transportation para sa ating living in modern times.

Bawasan lang po natin ang volume ng mga sasakyan na bumi -biyahe sa ating central business district. Hindi naman po mahirap gawin eto.

Hindi na po kasi magkasya ang mga sasakyan sa mga kalsada natin. Bulky po ang mga sasakyan and malaki po ang ino-occupy nilang space sa mga lands and streets natin, ikumpara mo po sa taong naglalakad at nag ba-bike lang diyan. And don’t forget the smoke na pino-produce ng mga ito.

Ang mga ibang bansa po (mga 1st world countries), ay top of the list po ang environmental problems na ina-address ng kanilang respective governments. Pino-promote po ng halos lahat ng bansa sa mundo ang pag-protect sa environment.

Tingnan niyo na lang po ang mga kabaliwan sa weather na na e-experience natin ngayon. Climate changes, La Nina, El Nino, pagbaha sa country natin month ng January. Dahilan po yan ng pagkasira po ng ating ozone layer na sinira ng air pollution.

Kahit dito lang po sa ating munting city ng Baguio eh mabigyan naman po sana ng importance ang pangangalaga sa ating air. Let’s have clean air here again!

Bawasan po natin ang pagsakay sa mga vehicles (public or private) kahit sa central business district man lang natin di ba.

Hanggat kaya po nating lakarin ang mga pupuntahan natin ket magmagna tayo kitdin!
And it would really be great if the city clear’s the city’s major streets for bikers. Ang mga yan po eh hindi nag e-emit ng pollution and hindi rin po sila naka ka traffic. Hindi po ba maganda and masaya kung ang Session, Harrison and Magsaysay roads eh dadaanan ng mga walkers and bikers lang? Or at least give priority to them!

Huwag naman po sana mas suportahan pa ng local government natin ang mga mauusok na sasakyan na sobrang dami na dito sa Baguio.

Kagaguhan naman po kung gagawin ng mga binoto niyo ang ganito di ba? Kung sa ibang mayayamang bansa eh priority nila ang mga pedestrians and bikers sa kanilang mga kalsada, dito sa Baguio eh priority ang mauusok na sasakyan?!

Common sense naman po di ba? For violent reactions -- 0935-171-5555.

No comments:

Post a Comment