Monday, June 20, 2011

Domogan and Vergara: Sila pa ba sa next polls?

G-SPAT
Grace Bandoy

Time flies. I’m pretty sure karamihan po sa atin eh hindi namamalayan na matatanda na pala tayo hehehe. Kung minsan eh bigla na lang natin na re-realize na may ilang years na pala ang lumipas na parang dumaang ilang araw lang.

Maya’t maya niyo eh nag pre-prepare na naman tayo for an election. It’s just two more years away, yung nakaraang two years ba eh namalayan niyo bang dumaan?! Parang hinde di ba? Kaya yang coming election na yan eh nandiyan na before we even know it, so better be ready – ready with the list of people we will put into power to run this city and our lives here.

Ang pamumuhay po natin eh nakasalalay sa mga taong hahawak sa Baguio, kaya dapat lang po na kung sinoman yung mga pauupuin natin diyan eh pinag isipan nating mabuti.
They should be people who are truly concerned for the goodness of our city and its people.

Dapat po eh yung ikabubuti ng lungsod natin and ng mga Baguio citizens ang kanilang iniisip. Those are the people we should vote for – always! And hindi mga taong iniisip lang ang kanilang sarili and mga madudugas nila.

Ngayon eh tingnan naman po natin ang “Goodness score card” ni Apo Domogan and lolo Vergara for the past months they were in power.
Domogan: ERC machines sa Irisan Dumpsite (120 million plus pesos) – gumagana ba at nakakatulong sa city of Baguio at sa ating lahat?
Answer: Go to Irisan dumpsite and see for yourself

Sinabing galit siya sa sugal. Answer(sort of): Kung true na galit siya sa sugal eh bakit super lakas pa ang jueteng in the city and ng mga ibang illegal na gambling? He is the mayor and kapatid pa niya ang isang police chief here, why can’t he do anything –

Autonomy sa Cordillera, pinipilit niya. Si Apo Domogan po ang bossing ng bagong grupo na naglalakad para mabigyan ng Autonomy ang Cordillera. Pag natuloy po ang Autonomy na eto eh allegedly ay magkakaroon lang ng isang provincial governor for Cordillera (si Domogan po siguro ito) na siyang allegedly ay hahawak ng lahat ng probinsiya dito. Ang governor na ito (baka si Domogan po eto) ay siya rin pong hahawak sa allegedly ay 10 billion pesos na magiging budget ng province.

Answer (sort of): Pag nagkakatotoo po ang lahat ng ito eh you can just imagine the power and money na mapupunta sa magiging provincial governor! Gusto niyo ba ang ganun? Huwag kalilimutan ang nangyari said autonomous na region ng Muslim Mindanao -- pinakamahirap na region and don’t you all forget the Maguindanao massacre perpetrated by the leaders there.

P92 million development fund ng city for 2011. Bantayan po nating mabuti ito kung mapupunta nga po sa mga developments ang milyones na ito for this year. Halos kalahati na po ng 2011 ang nakalipas, may development projects na ba silang ginawa? If yes, what are these and magkano kaya ang nagastos?

Answer (sort of): Anong development pa ba ang kailiangang gawin ditto sa Baguio? Hindi ba dapat preservation na lang ang gawin natin para sa mga naiiwang idle lands and trees?
Ibigan na lang and pangkabuhayang packageand P92 million sa mga masisipag at mahihirap na citizens here.

Ang Forbes Park daw ay iniligtas ni Domogan from harm sa mga unscrupulous individuals. Domogan reclaimed and hopes to maintain the Forbes Park daw po sa South Drive bilang part ng reservation area ng city natin.

Answer: Parang may nakita akong pinapatayong giant house there? Forest reservation nga bang talaga iyon sir? Baka maging ala-Busol Watershed Subdivision din yan!

Aside from those major, major issues Domogan is coupled with eh may mga iba pa ho siyang mga ginawa as mayor, check out po his website mauriciodomogan.com and see kung kayo po eh happy sa mga achievements ni lolo for his months in service. Peace!

Next column eh si lolo Vergara and ng kanyang milyones din ang ating silipin.

No comments:

Post a Comment