G-SPAT
Grace Bandoy
BAGUIO CITY -- Still going strong ang jueteng in this city. In fact one week lang po yata nagdisappear ito and that was after naannounce to the whole wide world na ang jueteng lord in the city ay walang iba kundi itong si --- . Don’t tell me na-forget niyo ng lahat ‘yun noh?
After that was known and vehemently denied by the top official, eh medyo nawala po ang sugal na ‘yan. Pero bumalik din po agad at parang lalong lumakas pa.
Isinumpa po ng mayor na he will terminate jueteng in the city but it seems he can’t live up to that promise. That illegal game is still and will continue to be the source of illegal income ng marami.
Super laki po kasi ang nakukuhang share ng marami diyan, in fact nagsisiraan ang karamihan sa kanila para lang makakuha ng bigger share of that jueteng payola.
Ang isang sikat na AM radio station in the city is allegedly receiving P150,000 weekly para lang hindi nila banatan sa kanilang istasyon ang jueteng na yan. Biruin niyo po yan?
Just imagine na lang ang alleged na natatanggap rin ng mga mas higher officials pa like mga opisyal sa gobyerno, mga pulis, mga barangay officials, ibang media at marami pang iba!
Ang bolahan po ng jueteng eh palipat lipat kaya daw hindi sila mahuli huli. Kaya pati ang police head na brother ng ating Mayor is clueless kung saan huhulihin ang mga jueteng people na eto kahit araw araw siyang kulitin ng kanyang big brother na i-terminate nga ang jueteng na yan.
And kung sakali lang pong si Mr. opisyal nga ang jueteng operator in the city, hindi ba pangit tingnan na ang kanyang kapatid naman ang head ng isang police station dito, di po ba?
Parang teleserye ang arrive - magkasabwat ang mayor and police head hehehehehe. Pero sa teleserye lang naman po yata nangyayari ang ganung mga stories.
Anyway, back to the places kung saan binobola ang winning jueteng numbers, ang latest na sabi sabi eh dun daw po sa tabi ng Day Care Center ni barangay captain BM ang bolahan ngayon – BM as in Bad Man? Bat Man? Bag Man? Bell Man? Ay basta!
Dati daw po itong car wash area pero ngayon eh tinakpan ng mga yero ang paligid. Everyday daw po naiipon ang mga tao dun na mga kilalang mga kubrador at mga tumataya.
Hindi kaya sila makonsensiya dun eh malapit lang sila sa famous image ni Blessed Mother Mary? Baka mamaya eh tamaan sila ng kidlat dun!
Well kung P150,000 ang allegedly nakukuha ng isang radio station lang eh kayo na ang bahalang mag-imagine kung magkano naman ang binibigay sa barangay captain (at hindi nila matanggihan). Peace!
No comments:
Post a Comment