G-SPAT
Grace Bandoy
Our dear president of the Republic of the Philippines, the honorable Benigno Aquino III, visited Baguio to cut the ribbon of the newest Jollibee in the city – the Harrison Road branch, the 700th Jollibee branch in the country, kaya historical daw po ang event na yun para sa Jollibee corporation. Yun lang po ang ipinunta niya dito.
Official o unofficial man po ang pag-visit niyang ito sa city natin, it’s still kagaguhan for me. Kris Aquino must be furious sa ginawa ng dear brother niyang yun. Mcdonald’s po kasi ang ine-endorse ni Kris!
While it may be true that Jollibee is one of the most successful Filipino companies in the world, a president should never go out of Malacanang, spend government money and travel to some place and cut the ribbon for a Jollibee store opening. It’s totally cheap and low! Wala na ba siyang mas importante pang gagawin?!
Was that ribbon cutting so very fu*king important na hindi niya matanggihan? Hindi ba siya puwedeng magsulat ng congratulatory letter na lang at ibigay sa Jollibee?
Or mag-utos ng staff niyang mag-represent na lang sa kanya?!
The country had to spend money for his transportation and presidential security guards and other staff para lang po sa nonsense na ginawa niyang iyon. And inisnab po niya ang invitation para i-oath-taking ang mga nanalong barangay officials ng Baguio sa Athletic Bowl nung araw din na yun.
Napakalaki po siguro ng utang ng ating dear president sa mga owners ng Jollibee na yan at kahit alam niyang cheap ang ginawa niya eh go pa rin siya?!
I remember na sinumpa sumpa ni P-noy na wala siyang babayarang utang na loob kahit kanino. Well, sinungaling siya. Sobrang laki ng utang na loob niya sa Jollibee at pinatulan niya ang pag ribbon cutting na yun.
Jolibee must be getting special treatment from the government. Sobrang lakas nila sa president natin at na-invite nila siyang mag gupit ng ribbon nila!
Nakakatakot naman po yata ang mga pangyayaring ito. Abangan na lang po natin ang mga kababawan at ka-cheapan pang mga gagawin ng ating pangulo.
“.…ang mahuli ang panlasang-Pinoy, ang mabihag ang pusong-Pinoy, at ang maging bahagi sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pinoy…,” bahagi po yan ng speech ni president sa event na yun.
Hindi rin kaya nagalit ang department of health sa kanya? Coz alam naman po nating lahat na ang mga fastfood joints po na ito ang sumira, sumisira at sisira pa sa health ng sangkabayanang Pilipino. Sa mga fastfoods po natin nakuha ang maraming sakit sa puso at kung ano-ano pa hong sakit meron tayo ngayon.
We don’t eat healthy anymore and depend on these fast foods for our daily supply of food. Kaya rin siguro mukhang very sickly ang ating president coz Jollibee kinakain niya everyday! Mag people power na kaya ulit?
***
I was extremely shocked when I learned that a Grade 6 student of one of the private schools in Baguio was kicked out of school for being allegedly five months pregnant!
This pretty elementary student allegedly had a 4th year high school boyfriend from a public school in the city.
I cannot imagine an elementary pupil na pregnant! Grabe naman!
This should come as a wake-up call for all of us na ganito na po ang nangyayari sa society natin ngayon. These realities are really what we ended up becoming as a people. It is sad. I can only feel for the parents of these kids. I know these parents did their best in bringing them up. Hindi naman po siguro sila nagkulang sa pangaral.
I want to blame the high school BF who was old enough to know what was right and wrong. He knew better than the grade 6 pupil.
How can a grade 6 pupil, 11 - 13 years old, become a mother when she’s not so far from being a baby herself!
Gusto kong pag-untugin ang ulo ng mga batang ito but I guess mas importante po siguro na kalkalin natin ang true causes ng problems ng society natin na ito. Young moms are becoming younger and younger. We are shocked to our bones when we hear of teen agers getting pregnant. Ang isang elementary student na nabubuntis is something.
Maybe we should start teaching anti-pregnancy techniques in elementary school already. Kids should already be educated about sex especially now that girls menstruate early.
Abnormal na po ang lahat ngayon. Hindi na po talaga kagaya ng dati. And we should adjust to what’s going on.
Teach our kids early of the realities of life. Yan lang po ang naiisip ko sa ngayon. And these kids should know the consequences of all their actions.
No comments:
Post a Comment