Chivalry an endangered virtue

>> Wednesday, April 20, 2011

G-SPAT
Grace Bandoy

Scene: Bus ng Kabayan Benguet to Baguio, super standing ovation, tanghaling tapat.
Ako: Komportableng nakaupo, thank God.
Ang mga nakatayo: halo halo, mga babae and lalake, karamihan mga bata
Ang mga nakaupo: halo halo din, maraming mga lalakeng nakaupo
Isang Lola (mukhang 70 years old plus): Sumakay pero puno ang bus, kaya tumayo na lang.

Hinihintay kong may mag-offer ng seat for the lola from among the men na nakaupo pero wala man lang. Halfway through the trip nung nag stop over, I offered my seat for the lola, inisip ko lang - kung yung lola natitiis nilang pina panood nakatayo, baka pag ako ang tumayo may hindi makatiis (I looked girlie and in my high heels and all..).

Pero my God! Isang oras na akong nakatayo sa bus. Wala ni isang lalaking paupuin ako. Well of course, hindi ko naman pinagsisihan na pinaupo ko si lola, in fact it even felt good, pero ng mga kalalakihan ngayon. Akala ko uubra ako sa kanila hehehe, hindi rin pala! Pinapanood ako nakatayo!

Chivalry is dead among men. But not among us, women! Mabuhay mga kababaihan!

What is really sad about this is we see this not only sa mga standing na bus but everyday sa mga jeep, sa kalye, sa mga pila, sa mga tahanan natin kung minsan din. Wala na tayong pagalang sa mga matatand. Wala tayong pakialam sa kanila. This is bad and sad.

Nawawala na talaga sa culture natin ang ganung practice.

It seems like it has totally vanished from Philippine history! My God good luck na lang sa future generation. For us, na kinoconsider pang mahalaga ang ganun, nakakainis pag nakikita mong hindi na ginagawa! I cannot tolerate old people having a hard time.

Eh kasi bata pa kami tinuro na that dapat igalang at tulungan ang mga matatanda. Ewan ko lang kung bakit sa sarili nating parents kung minsan hindi natin laging na a-apply ito hehehehe.

Like my late mother, I’m spared from doing housework while she does all the cleaning, cooking and dishwashing hehehe but I would never let her stand sa bus! Mahuloghulog puwet niya sa jeep at hindi makaupo ng maayos, magbuhat ng super mga bigat unless wala ako, atbp. Baka naman kasi hindi na tinuturo ng mga magulang at ng mga schools ang pag galang sa matatanda ngayon!?

Or is it talagang maka sarili na lang ang karamihan sa mga tao ngayon? Chivalry – 70% dead! A vanishing virtue! Text your violent reactions: 0928-385-5611

0 comments:

  © Blogger templates Palm by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP  

Web Statistics