Managers ng Beneco, milyon ang suweldo
>> Thursday, May 5, 2011
G-SPAT
Grace Bandoy
BAGUIO CITY -- Ang mga kagalang – galang na managers po ng Benguet Electric Coop dito sa Baguio eh mga milyonaryo pala kung i to-total natin ang kanilang mga sahod in a year.
Lahat po yata ng mga managers na ito ay nakaka receive ng P50,000 or more as their salary for a month. Meaning 50,000 ang minimum monthly salary ng isang manager there. Wow grabe pala noh di po ba?! Sarap maging manager dun! Wala ka ng alalahaning problema sa buhay kung isa kang manager sa Beneco, my God! Mga masusuwerte sila dun ah!
Ewan ko lang kung bakit nag re- request pa ho ang mga millionaire managers natin there ng additional po sa kanilang mga sahod. At hindi lang po additional ang kanilang pinapadagdag ha! Doble ng kanilang sahod ang gusto nila!
So si Mr. X na pinapasahod ng taong bayan ng Baguio ng P50,000 per month eh makaka – receive na po ng 100,000 sa isang buwan, that is kung aprubahan po ng nakatataas na office ang request nilang eto.
Pinayagan po ng taong bayan ng Baguio ang additional sa sahod nilang eto nung inaprubahan po ng board of directors ng Beneco ang request nila. Let’s not forget that the Board of Directors were voted by the people of Baguio bilang kanilang mga representatives there.
When we voted for them it meant we TRUSTED them to fight for our welfare sa Beneco. Ang pag – approve po nila sa increase ng sahod ng mga managers na ito is not for the welfare of the people of Baguio at all.
Pagka gahaman na po ang ginawa nilang eto. Allegedly si pinaka big bossing sa Beneco is receiving P114,000 a month, at pag na doble pa eto eh quarter of a million na po ang sahod ni lolo sa isang buwan pa lang! No wonder may mga alleged multi-million homes ang lolo na ito sa ibang places in the Philippines.
My God! Sino ba kasi silang mga pinaka magagaling at mga genius sa Beneco na yan at sa kanila mapupunta ang income ng cooperative na yan!
Kahit sino pa ang magmamanage sa Beneco nay an eh Beneco pa rin yan at hindi magbabago noh! So please, instead of making these managers sa Beneco richer, nagsasasa na nga sila sa luxury at kaperahan ng mga tao sa opisina na yan, eh why don’t they just put up more streetlights sa mga madidilim na lugar dito sa probinsya natin ng Benguet na lang!
Or bawasan ang rates natin sa kuryente para matuwa naman tayong mga nagbabayad! Marami pa hong dapat paglagyan na mabuti sa pera ng Beneco aside from pag hati hatian lang ng mga hari’t reyna diyan sa Beneco noh!
Sa tingin ko eh wina waldas lang ng Beneco heads ang pera ng people diyan. Halos lahat sila eh provided with Beneco-paid vehicles. Libre po ang pagkain ng mga ‘yan araw araw kung sang restaurant sila kakain. Libre ang mga gasoline nila pag ginamit nila ang kanilang mga private vehicles. Etc. etc.
Nakahiga po sa comfort ng mga sangkatutak na libre ang mga bosses ng Beneco na yan! Samantalang tayo eh nahihilo na kung san natin kukunin ang pambayad sa mga electric bills natin!
This Beneco should be audited by the people of Baguio and Benguet for Christ’s sake!!
0 comments:
Post a Comment